NABAK KIMCHI (나박김치)

Ang “nabak kimchi” ay isang uri ng kimchi na karaniwang inihahanda tuwing tag-init. Hindi gaya ng “bechu kimchi”, ito ay hindi gaanong maanghang at meron siyang sabaw. Inihahanda ito bilang “banchan” o side dish at maaari rin itong gamiting sabaw sa “kuksu” o noodles.

Nabak Kimchi (나박김치)

Mga Sangkap

(300g) 1/5 ulo ng malaking mu (labanos)

150g baechu (Chinese cabbage)

20g pa (berdeng sibuyas)

3 piraso ng maneul (bawang)

1 piraso ng saenggang(luya)

1 piraso ng bulgeun gochu (pulang sili)

30g minari (parsley)

mga jat (pine nut)

Yangnyeom (Seasoning)

2 Tbsp.ng sogeum (asin)

2 Tbsp. ng gochutgaru (pulang siling durog)

1 tsp.ng seoltang (asukal)

Kimchi Gukmul ( Kimchi Water)

1 1/2 Tbsp ng sogeum (asin)

5 tasa ng mul (tubig)

gochugaru (red pepper paste)

** Paraan ng Paggawa**

  1. Gumamit ng malambot na buod ng Chinese Cabbage Hiwain ang buod ng Chinese cabbage at labanos sa maliliit na piraso na humigit-kumulang na 2.5cm lapad at 33cm sa haba, at saka ibabad sa asin
  2. Munghayin ang mga sibuyas , bawang, luya at walang butong pulang sili sa 3 cm haba. Linisin ang perehi at munghayin ito sa 3cm haba.
  3. Hugasan ang ibinabad na labanos at Chinese Cabbage.Ihalo ang mga minunghay na berdeng sibuyas, bawang,luya,walang butong pulang sili at mga panimpla, at saka ilagay sila sa lalagyan
  4. Maglagay ng tubig na may asin sa mangkok at itaktak ang plang siling durog gamit ang tela.
  5. Ilagay ang malinis na pine nuts, at saka idagdag ang perehi kapag naperment ang kimchi

Source: 다문화가정을 위한 한국요리 Daewoo Securities 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.