Paraan ng Paghihiwalay sa Hukuman para sa mga Dayuhan
1. Napagkasunduang Paghihiwalay at Paghihiwalay sa Hukuman
○ Batay sa hukumang batas ng Republika ng Korea, ay mayroong dalawang klase ng paraan ng paghihiwalay: ang napagkasunduang paghihiwalay, at ang paghihiwalay sa hukuman.
○ Kung sakaling ang mag-asawa ay napagkasunduang mabuti ang paghihiwalay at nadesisyonan ang sasamahang magulang ng minoridad na bata/mga bata, ay maaari silang mabilang sa napagkasunduang paghihiwalay.
○ Kung sakaling ang mag-asawa naman ay hindi mapag-kasunduan ang bawat kondisyon, ay hindi sila mabibilang sa napagkasunduang paghihiwalay. Ang mag-asawa ay kinakailangang magpasa ng kasong paghihiwalay sa korte o kaya ay magpasa ng paghuhukom sa paghihiwalay nila.
2. Pagpasa ng paghuhukom sa paghihiwalay
○ Kung sakaling walang mabuting napagkasunduan at nag-aaway tungkol sa kanilang paghihiwalay, pagsasa-ayos ng ari-arian, mag-aalaga at sasamahan ng minoridad na bata/mga bata, suporta sa bata, pagbisita, ay kinakailangang magpasa ng pagsasa-ayos sa paghihiwalay sa pang pamilyang korte para sa kaso. Ganito din ang mangyayari kung ang sinuman ay magpasa ng pagsasaayos sa paghihiwalay.
○ Sa paghihiwalay sa hukuman, ang isa ay maaaring humiling ng paghihiwalay at pagsasa-ayos ng ari-arian. Kung ang kahit isa sa kanila ay hindi humiling, ang korte ay hindi humahatol sa ganitong kondisyon.
○ Paghiling sa ‘Pagsasa-ayos ng Paghihiwalay’ ay paghiling ng pagbayad sa nasirang pang kaisipan dahilan sa pagka-responsibilidad ng kapareha sa dahilang pagkasira ng buhay kasal.
○ Paghiling sa ‘Pagsasa-ayos ng Ari-arian’ ay tumutukoy sa paghihiwalay ng ari-arian ng bawat isa sa oras ng paghihiwalay, na naipon sa lahat ng kanilang kakayahan habang mabuti pa ang samahan ng kanilang buhay kasal.
Kabanata 1 Paraan ng Paghihiwalay sa Hukuman
○ Kung ang mag-asawa ay mayroong mga minoridad na anak/mga anak, sila ay kinakailangang ‘magdesisyon kung sino ang magpapalaki at makakasama ng
kanilang anak/mga anak’, ‘suporta ng bata’ at ‘pagbisita’.
3. Mga Dahilan para sa Paghihiwalay sa Hukuman
○ Batay sa batas Artikulo 840 ng Hukumang Batas ng Republika ng Korea, ang isa ay maaaring magpasa ng kahilingang paghihiwalay sa hukuman kung
mayroong kahit sa mga dahilan sa ibaba.
Hukumang Batas Artikulo 840 (Mga Dahilan para sa Paghihiwalay sa Hukuman)
Ang isang kapareha ay maaaring magpasa ng kahilingang paghihiwalay sa hukuman kung mayroong kahit isa sa mga dahilan sa ibaba.
1. Kung ang isa sa magkapareha ay gumawa ng hindi tamang aksiyon sa kanyang asawa.
2. Kung ang isa sa magkapareha ay pinabayaan sa masamang paraan ang kanyang kapareha sa panahon ng buhay mag-asawa.
3. Kung ang isa sa magkapareha ay natrato ng sobrang hindi matanggap ng kanyang asawa o ibang miyembro ng pamilya.
4. Kung direktang ang isa sa magkapareha ay natrato ng sobrang hindi matanggap ng kanyang kapareha.
5. Kung ang kapareha ay hindi na tumpak ang haba ng buhay sa loob ng 3 taon.
6. Kung mayroong iba pang makatwirang dahilan ng paghihiwalay.
Kabanata 1 Paraan ng Paghihiwalay sa Hukuman 3
4. Buod ng Paghuhukum o kaya ay Paraan ng Pagsasa-ayos
Pagpasa ng petisyon
Pagrepaso sa petisyon
Pagpapadala sa kopya ng petisyon
Unang Petsa ng Panunumpa
Pagsasa-ayos
Pagpasa ng
Pagsasaayos
Hindi tagumpay na pagbibigay ng kaayusan
· Paghukom sa korte
․· Lupon ng Taga-saayos
Petsa ng Panunumpa
Paginbestiga sa Tahanan
Pagtutok na inbestigasyon sa testigo at ebidensiya
Pagsasa-ayos sa Pamamaraan ng Pagkakasundo
Pagtatapos ng kaso
Pagpasa ng Pagtutol
Pagpapahayag sa Desisyon
4 Kabanata 1 Paraan ng Paghihiwalay sa Hukuman
5. Paraan ng Paghihiwalay sa Hukuman
A. Pagpapadala sa kopya ng Petisyon
○ Kung ang tagapag-sakdal ay nagpasa ng paghihiwalay, ang korte ay magpapadala sa kopya ng petisyon sa nasasakdal. Kung sakaling ang tirahan
ng nasasakdal ay hindi malaman, ang petisyon ay maipaparating sa pamamagitan ng pangpublikong pagpapahayag depende sa kondisyon para sa pagkakaroon ng bisa ng petisyon.
B. Paghiling ng Pamamaraang Pagprotekta para sa Desisyon ng Korte
○ Para sa pagtanggap ng desisyon sa naipasang kaso o pagsasa-ayos sa kahilingan, ay maaaring humiling ng pamamaraang pagprotekta sa mga
mahigpit na mga kaso.
○ Ang korte ay maaaring mag-utos ng pamamaraang pagprotekta sa awtoridad dahilan sa problema kahit na walang kahilingan ang katauhan.
○ Ang pagprotektang pamamaraan ay maaaring maihandog batay sa mga sumusunod na kaso.
· Kung ang isang kapareha ay kinakailangan ang pamamaraang pagpigil para sa kapareha nito.
· Kung ang isang kapareha ay kinakailangang humiling ng pinansiyal o kaya ay suporta sa minoridad na bata/mga bata.
· Kung sakaling humuhiling ng pagbisita.
○ Ang tungkol sa pagdesisyon ng pamamaraang pagprotekta, ay magpasa ng madaliang apila sa loob ng 7 araw pagkaraan ng pagbibigay ng babala. Ang
epekto ng desisyon ay pagkaraan ng pagpinal nito.
○ Ang Pang pamilyang korte ay maaaring magpabayad ng multang 10,000,000 won sa katauhang lumabag sa pamamaraan ng korte.
C. Panunumpa
○ Kung ang kopya ng petisyon ay naipadala sa nasasakdal, ang taga-hatol ay siyang mamimili at magpapa-alam sa petsa ng panunumpa. Sa araw ng
panunumpa, ang isa ay kinakilangang naroroon maliban kung mayroong napaka-espesyal na rason sa kondisyon ng hindi pagka-payag sa pagdalo nito. Kung ang katauhan ay nakipag-kasundo sa petsa at hindi sumipot ng walang rasong espesyal sa kondisyon nito, ang korte ay maaaring magpabayad ng multang 500,000 won.
Kabanata 1 Paraan ng Paghihiwalay sa Hukuman 5
○ Sa araw ng panunumpa, ang bawat isa ay magtatanggol ng kanilang mga katotohanang kahirapan (hal. Katotohanang rason ng paghihiwalay sa
hukuman), pagpasa ng nauukol na mga dokumento, at pagkakaroon ng inbestigasyon sa mga ebidensiya at pag-iksamen sa mga saksi.
○ Hindi kagaya ng mga kasong pangbatas, na ang pagsasagawa sa kapangyarihan ay pinahihintulutan sa mga kasong paghihiwalay. Ang pang pamilyang korte ay maaaring hindi ikonsidera ang mga ito na pagbasehan sa paghahatol ng paninindigan ng mga katauhan.
D. Pag-inbestiga sa Tahanan
○ Ang korte ay maaaring mag-utos ng pag-inbestiga sa tahanan para sa nahaharap na paglilitis o kaya ay habang ang paghuhukom nito. Ang paginbestiga
sa tahanan ay maaari ding maisagawa habang ang hakbang ng pagsasa-ayos nito.
○ Ang pag-inbestiga sa pamilya ay naisasagawa sa mga bagay na pag-alam sa dahilan ng pagkasira ng pamilya ganun na rin ang edukasyon at karanasan sa
trabaho, at kondisyon ng pamumuhay at mga pag-aari, personalidad at kapaligiran ng pamilya na may relasyon sa pangkaisipan, sosyedad, ekonomya, pinag-aralan at iba pang propesyonal na kaalaman.
○ Ang sumusunod na listahan ay siyang maiimbestigahan sa tahanan:
․ Pag-inbestiga sa mga Katotohanan: Rason ng pagkasira ng pamilya, paraan ng magkasamang paglago ng pag-aari ng mag-asawa, kapaligiran ng pagaalaga
ng mag-asawa sa kanilang anak/mga anak, at iba pa.
․ Paraan ng Pagsasa-ayos: Diretso o magkakasamang kakayahan ng mga pangpamilyang inbestigador para sa pagsasagawa ng panggagamot ng pangkaisipan,
panggagamot sa pagiging adik sa drug, panggagamot sa pagiging adik sa sugal, at iba pa.
E. Pagsasa-ayos
○ Sa araw ng pagsasa-ayos, ang mga katauhan ay nararapat na nandoon. Maaaring kasama ang naitalagang abogado.
○ Sa araw ng pagsasa-ayos, ay magkakaroon ng pagsasa-ayos kung ang dalawang katauhan ay hindi magkaroon ng mabuting kasunduan na nababatay sa taga-hatol o lupon ng mga tagasa-ayos na mga rekomendasyon. Subalit kung magkaroon ng pagsasa-ayos, ang korte ay mapapabuti at maibibigay ang ulat ng pagsasa-ayos na nakasali sa probisyon ng pagsasa-ayos na napagkasunduan ng dalawang katauhan.
○ Kung hindi ito maisa-ayos, “ay maaaring magdesisyon kapalit ng pagsasaayos (hindi boluntaryong pagsasa-ayos)”. Kung ang mag-asawa ay hindi
magpasa ng pagtutol sa loob ng 14 na araw ng pagpapadala ng desisyon na kapalit ng pagsasa-ayos, ang hatol ay matatapos na.
○ Pag-uulat sa pag-aayos o kaya ay paghatol na desisyon na kapalit ng pagsasa-ayos may kaparehang kapangyarihan na maging pinal na desisyon.
Bilang resulta, kung magkaroon ng pagsasa-ayos, ang mga katauhan ay hindi makakagawa ng pagtutol.
F. Pagsasa-ayos sa Pamamaraan ng Pagkakasundo
○ Ang korteng responsable sa kaso ay maaaring magsakdal ng pagsasa-ayos sa pamamaraan ng pagkakasundo para sa pantay na pagkakatuos ng kanilang
karapatan.
○ Kung kahit isa sa kanila ay hindi nagpasa ng pagtutol sa kaso sa loob ng 2 Linggo pagkatanggap ng Pagsasa-ayos sa pamamaraan ng pagkakasundo, ang
mga sumusunod na pagsasaayos sa pamamaraan ng pagkakasundo ay matatapos na at magiging katapusan na ng paglilitis.
○ Kung makonpirma na ang kaayusan ng pagsasa-ayos sa pamamaraan ng pagkakasundo, ang bawat isa sa kanila ay hindi na makakagawa ng pagtutol.
G. Pagtatapos ng Kaso
○ Ang korte ay magpapahayag sa paghahatol ng kaso sa pagtatapos ng nasabing kaso.
H. Paraan ng Pagtutol
Unang Paglilitis → Pangalawang Paglilitis → Pangatlong Paglilitis Pagtutol Pagtutol
○ Ang bawat isa ay maaaring pagpasa ng pagtutol sa natanggap na desisyon sa loob ng 2 Linggo ng unang paglilitis. Sa oras ng paggawa ng pagtutol, ang porma ng pagtutol ay kinakailangang ipasa sa korte na nagbigay ng pinal na desisyon.
○ Kung ang desisyon ay nagawa sa oras ng pagtutol, ay kailangang magpasang muli ng porma ng pagtutol sa Mataas na korte sa loob ng 2 Linggo. Kung
magpasa ng pagtutol sa Mataas na Korte, ang porma ng pagtutol ay maipapasa sa Korte ng Pagtutol.
○ Kung kahit isa sa mga katauhan ay napalipas ang hangganan ng pagpasa ng
pagtutol pagkaraan ng unang paglilitis at kung ang pagtutol ay natiwalag
pagkaraan ng pagsulat sa porma subalit hindi naipasa ng maaga o kaya ay
kung ang pagtutol ay naisagawa sa Mataas na Korte at ang pagtutol ay
natiwalag, ang unang paglilitis ay maisasagawa na ang pinal na desisyon.
○ Kung ang paglilitis ay naisasagawa sa pagsasara ng serbisyo, ang
nagtatanggol ay maaaring gumawa ng pagtutol na naglalahad na siya ay hindi
niya masisipot ang hangganan ng pagtutol sa kadahilanang mga rason na kung
saan ang nagtatanggol ay mayroon ng pinal na desisyon pagkatapos ng
paghahatol nito.
○ Kung mayroong mga pagkakamali sa mga kinakailangang mga nilalaman ng
paghahatol (kagaya ng Numero ng SSS o kaya ay lugar ng talaan) ay nakita,
ang mga katauhan ay maaaring humiling para sa pagtantiyang muli sa
desisyon na nauukol sa korte.
I. Paraan ng Pagpapadala ng Patakarang Korte o kaya ay iba pang Desisyon
○ Para sa pagsasa-ayos sa kalagayan ng relasyon ng sertipikasyon ng pamilya
para sa maagang pagpapadala sa desisyon ng kaso o kaya ay pagsasa-ayos
nito, ang katauhan ay kinakailangang magparehistro sa desisyon( o kaya ay
pamamaraan sa pagsasa-ayos ng pakikipag-kasundo) na sertipikasyon,
pagpapadala sa sertipikasyon at konpirmasyon sa sertipikasyon at pagpinal sa
desisyon ng opisina ng lokal na gobyerno sa loob ng 1 buwan; o kaya ay
pagpa-rehistro sa sertipikasyon ng pag-uulat sa pagsasa-ayos sa opisina ng
lokal na gobyerno sa loob ng 1 buwan na pagsasagawa ng pagsasa-ayos nito.
8 Kabanata 1 Paraan ng Paghihiwalay sa Hukuman
○ Sertipikasyon ng pinal na desisyon at pagpapadala sa sertipikasyon na
naihanda mula sa korte na ginanapan ng paglilitis.
6. Pananatili at Pagtanggap sa Pagtira sa Bansa
○ Hindi sakop ng korte ang paghahandog ng pananatili o kaya ay pagtanggap sa
pagtira sa bansa. Ang mga problemang ito ay sakop ng gawain ng Kagawaran
ng Katarungan.
○ Para sa mga inpormasyon tungkol sa pagkuha ng nasyonalidad at
pagtanggap sa pagtira sa bansa, ay bumisita sa website ng Opisina ng
Imigrasyon ng Korea sa www.immigration.go.kr
7. Serbisyong Pagpapaliwanag ng Wika para sa mga Dayuhan
A. Suportang Pagpapaliwanag ng wika
○ Ang Pang pamilyang Korte ay masiglang sumusuporta sa mga dayuhang
mahina sa kakayahan sa wikang Korean sa pagtatalaga ng legal na
tagapag-paliwanag ng wika at bayad sa halaga ng pagpapaliwanag nito ng
wika. Kung sakaling hindi siya masamahan ng legal na tagapag-paliwanag
ng wika sa araw ng paglilitis, ay kinakailangang magpasa ng kahilingan sa
pangangailangan ng tagapag-paliwanag ng wika.
B. Suportang Pangbatas
Kabanata 1 Paraan ng Paghihiwalay sa Hukuman 9
○ Ang sistemang pagsuportang pang batas ay inilalaan ng gobyerno sa ilang
antas ng pang pinansiyal na suporta sa mga katauhang hindi kayang bayaran
ang halaga ng tagapag-presenta sa batasan. Kung ang kahilingan para sa
suportang pangbatas ay maaprobahan, ang ilang bahagi ng babayaran sa
batasan ay babayaran ng gobyerno.
○ Ang legal na makakapag-gastosan sa suportang pang batas ay ang bayad
sa stamp, pagpapadalang halaga, bayad sa taga-paliwanag ng wika, halaga
ng pagtuos, at ang bayad sa serbisyo sa abogado.
C. Sistemang Pagbibigay ng Abogado para sa mga dayuhan mula sa
Suportang Pangbatas
○ Ang Pangpamilyang Korte sa Seoul ay nagsasagawa ng sistemang pagbibigay
ng abogado sa kooperasyon ng pagsuporta ng Asosasyon ng Bar sa Seoul.
Kung ang dayuhan ay humiling ng mga inpormasyon tungkol nito, ang korte ay
magpapakilala sa ‘mga miyembro ng mga abogado para sa kanilang pagsuporta
sa mga dayuhan tungkol sa batas’ para tulungan sila sa pag-iwas ng
komplikasyon sa pagkuha ng abogado sa pag-aplika sa mga pamamaraan ng
pagsuportang pangbatas at ang pagpayag sa suportang pangbatas.
○ Ang dayuhan ay maaaring mabigyan ng patuloy na serbisyong pangbatas
mula sa pagkonsultasyon sa suportang pangbatas na naisasagawa sa
sistemang pagbibigay ng abogado para sa pagsuporta sa batasan sa mga
dayuhan.
Source:
[06749] 서울 서초구 강남대로 193 대표전화: 02)2055 – 7114 Copyright © 2005 Seoul Family Court, All Rights Reserved.