Non-skilled workers stay for up to 9 years and 8 months

Noong April 30 ay nag-post si DJ Gennie tungkol sa one-entry at one-reentry policy para sa mga EPS workers. Mula noon ay wala pang lumabas na balita tungkol dito.

Noong unang na-implement ang EPS ang mga trabahador ay binigyan ng visa na hangang tatlong taon lamang. Pagkatapos ng tatlong taon, sila ay pwedeng bumalik pag naipasa ang KLT o Korean Language Test sa bansang pinanggalingan. Nagkaroon ng extension na hangang 1 taon at 10 buwan. At noong 2012, nag-umpisa ang policy tungkol sa mga sincere o committed workers. Nagkaroon din ng Special EPS-TOPIK o mas kilala bilang CBT ng mga Filipino EPS workers. Ang unang batch ng mga sincere workers ay nakatapos na ng visa nitong Mayo 2017. Marami sa kanila ang binigyan uli ng kontrata ng kanilang mga employer at pinayagan ng HRD at MOEL. Ngunit nagkaroon ng aberya sa MOJ (Immigration) at hindi pinayagan agad na mabigyan ng CCVI. Ang mga labor groups at pati na ang HRD ay nag-request na payagan ang mga may kontrata na ngayong taon na bigyan uli ng pagkakataon na makapagtrabaho ng 4 na taon at 10 buwan para sa kabuuang 14 taon at 6 na buwan.

Noong Hulyo, inanunsyo ng MOJ ang bagong labas na visa na tinawag nila na E-7-4 at ito ay para lamang sa mga E-9, H-2 at E-10 na empleyado. Tatlong daan lamang ang bibigyan ng visa na ito ngayong taon at pag-aaralan ng MOJ at MOEL ang policy tungkol sa visa na ito na magiging permanente mula 2018. Sa visa na ito, pwedeng manatili ang EPS worker ng dalawang taon at ito ay pwede ma-renew pagkatapos, depende sa kondisyon.

Noong ika-2 ng Agosto, inanunsyo ng MOJ ang bagong patakaran tungkol sa mga EPS workers. Simula sa susunod na taon ay hangang 9 na taon at 8 buwan na lamang pwedeng manatili at magtrabaho sa bansa ang mga may E-9 visa. Samakatuwid, ito ang tinatawag na “one entry, one re-entry policy” na ibinalita noon ni DJ Gennie Kim. Sa unang pagpasok ay 4 na taon at 10 buwan ang kontrata. Maaari pang bumalik sa pangalawang pagkakataon bilang “sincere worker” at sa karagdagang 4 na taon at 10 buwan uli. O kung makapasok uli pagkatapos maipasa ang pagsusulit.

Isa sa binigay na dahilan sa limitasyon sa taon ng pananatili ng mga EPS workers ay ang kasalukuyang kondisyon ng “labor marker” dito sa Korea. Ito ay para maproteksyunan ang mga trabahador na Koreano. Babaguhin ng MOJ ang Immigration Control Act at ang Act on the Employment of Foreign Workers para sa patakaran na ito.

Makikita sa ibaba ang mga source na Korean News. Mas mabuting tumawag sa Immigration sa 1345 para sa mas klarong detalye. Hintayin din ang anunsiyo mula sa Embahada at POLO.

Sources: Yonhap News, NewsCJ, Hani, Chungnam Ilbo

26 comments

  1. Mam panu po sa sitwasyon ko natapos po Ang contract ko nung may 15 2017, may release po ako Kaya ndi po ako na sincere pwede pra po ba ako mg take uli ng test at may Pag Asa pa po ba ako dun sa sincere? Tnx po sana masagot nyu po

      1. Pano nmn po yung cbt aq tapos nkabalik nq dito sa ibang company balak qng tapusin 4y10 q dito maaavail q paba yung sincere.. matatapos 4y10m q sa 2021.. txnz mo sa respond..

  2. Pag pinatupad b yan nxt year dun p lng mag uumpisa ung bilang ng 9 yrs 8 mos o isasama n sa bilang ung dati. Cbt batch 1 kc ako nxt year total of stay ko 9 yrs 8 mos n. Pwede p kaya ako iaplay as sincere nung boss ko base sa batas na ito? Nkakalito kc ala p ung mismong guidelinesnng bagong batas.

    1. Hi Ariel! Nakakalito nga kasi nag-umpisa ang usapin dito dahil sa mga natapos na batch ng sincere, na na-hold sa HRD kasi ayaw bigyan ng MOJ ng visa. Ang gusto kasi ng MOJ ay hangang 10 yrs lang ang E-9 so request ng HRD na next year na lang i-implement ang 10 years na limit. Samakatuwid yung mga mag-10 years next year sa-E-9 visa ang maaapektuhan. Bale ang mangyayari ay one entry, one reentry para sa E-9 visa kaya ine-encourage na mag-change ng visa sa E-7, F-2-6 o E-7-4.

  3. Mam tanong ko lang po kami po ay 6 years nong una yun ung 3+3 umuwi po ako at nag cbt nakabalik po ako as e9 4 -10 months next year matatapos na contract

  4. Maam Ana gudeve po..3 + 3 yrs po ako dati..tapos nag klt 8 po..ngaun po ay matatapos ko na ang 4 yrs and 10 mos ko pp sa january 2018..sabi ng boss ko ay isisincere daw po nila ako…possible po kaya na makabalik pa po talaga ako eh more than 9 yrs and 8 mos na po ako nag wowork dito? Thank you po Maam!

  5. Mam gusto ko pong makabalik ulit dyan naipasa ko po ang cbt nung march 2016,,sana po matulungan nyo po ako n magkaroon ulit ng employer dyan sa korea …iyres g. Sapnu 09555504518

  6. Mam pano po kung di pa po umabot sa edad pero naka 9years and 8months na.. pwede pa po ba makabalik o hindi na?

  7. Good pm mam.

    Sa pag palit po b nang visa from e9 to e7-4

    Need po ba nang company atleast
    10 korean worker for manufacture
    And 5 korean worker for 뿌리산업?

    Salamat po.

  8. Paano po ung sakin nka 3yrs po aq dati klt8 2012-2015 hnd n po aq ng extend ng 1yr and 10mos tapos umuwi aq ng pinas nag exam aq klt13 pumasa po aq at nkabalik ng 2016, 1yr n po aq naun pwd po p ren kaya aq msincere ng company namin?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.