Isa si Anthony Matas sa mga libu-libong Filipino na nagtatrabaho sa South Korea. Siya ay kasalukuyang nagtatrabaho sa isang kumpanya na pagawaan ng mga “pipes” gaya ng plastic pipes, drainage at electrical sa Gwangju. Halos labing-isang taon na rin siya na nagtatrabaho sa bansa. Nitong Agosto ay nakuha niya ang kanyang E-7-4 visa.
Unang Tapak sa Korea
Dumating si Anthony sa Korea noong Oktubre 2006. Ang unang visa na natanggap niya ay E-9-2 para sa tatlong taon na pananatili. Nagkaroon siya uli ng pagkakataon na bumalik para sa tatlong taon muli at pagkatapos ay sincere na. Sa Enero 2018 dapat matatapos ang E-9 visa niya pero pinalad na nabigyan ng E-7. Basahin natin ang kuwento ni Anthony.
Dalawa silang Filipino na nagtrabaho sa kumpanya nila. Ang dati niyang kasama ay nagpa-“release” pagkatapos ng isang taon. Sabi ni Anthony, mahirap ang unang taon na pananatili niya sa Korea, partikular sa tinitirhan kung saan nasa labas ang banyo at malamig ang sahig na tinutulugan lalo na sa taglamig. Ang pag-iisip sa pamilya at sa bayan ang nakatulong sa kanya para magpursige. Inisip niya na kung maayos ang kanyang pagtatrabaho, baka sakaling magkaroon ng pagkakataon na kumuha pa ng Filipino ang kanyang amo. Sa kasalukuyan, apat silang Filipino na nagtatrabaho ngayon sa kumpanya.
Dahil sa maayos na pagtatrabaho, si Anthony ngayon ang “kongjang jangnim” o “chief of factory” ng kanilang kumpanya. Ang magandang relasyon niya sa kanyang amo ang naging paraan upang siya ay suportahan sa kanyang pagpapalit ng visa.
Pagpapalit mula sa E-9 patungo sa E-7
Noong naging “sincere worker” si Anthony, nasabihan siya ng amo niya na gagawa ng paraan para manatili pa rin sa trabaho. At kung hindi daw ay pwede siyang mag-TNT. Subalit ayaw ni Anthony na maging ilegal dahil naranansan niya na magkasakit at mahirap ang walang benepisyo.
Noong 2014 unang nagbalak si Anthony na magpalit ng visa. Si Gennie Kim ang naging daan upang makakuha ng impormasyon at maipaliwanan sa amo niya na hindi kailangan ni Anthony na mag-TNT at maari na manatili sa Korea ng legal pagkatapos ng E-9 visa niya.
Pagkatapos malaman ang paraan sa pagpapalit ng visa sa E-7, nagsikap siya na mag-aral ng Korean para mag-exam ng TOPIK. Anim na beses siya sumubok bago siya pumasa. Ang amo niya ang nagbayad sa lahat ng pagkakataon.
Napag-hinaan ng loob si Anthony noong nalaman niya na kailangan college graduate para sa E-7. Siya ay high school graduate lamang.
Noong lumabas ang impormasyon tungkol sa F-2-6 ay naisip niya uli na may pag-asa din pero ang TOPIK level niya ay hindi umabot sa kailangan sa F-2-6 visa.
Lumabas noong Hulyo ang impormasyon tungkol sa E-7-4 vias. AT muling nabuhayan si Anthony. Ang E-7-4 visa ay base sa puntos. Dahil “general manufacturing” ang kumpanya na pinagtatrabahuhan niya, kailangan daw na may sampung Koreano na nagtatrabaho sa kumpanya. Ang tanging paraan ay kung “root industry” ang kumpanya. Dahil dito ay nagdesisyon ang amo ni Anthony na mag-apply para maging “root industry” ang kumpanya at pumasa sila.
Noong Agosto ay sinamahan si Anthony ng amo niya sa Immigration Office para mag-apply ng E-7-4 visa. Tinanggap ang mga papeles niya at pagkatapos ng dalawang linggo ay lumabas ang visa niya. Hindi siya naniwala agad hangang hindi niya natanggap ang kanyang ARC na nakatatak na siya ay may E-7 na.
POINT SYSTEM
Paano nakapasa sa point system ng E-7-4 si Anthony?
Una, ang sweldo niya noong 2015 at 2016 ay pumasok sa 33 milyon pataas. Nakakuha siya ng 20 puntos dito kaya 30 puntos na lang ang kailangan para makakuha ng 50 puntos.
Annual salary: 33 million Korean won na kita sa isang taon at pataas – 20 puntos
Edukasyon: high school – 5 puntos
Edad na 39 taon – 2 puntos
TOPIK level 2 – 10 puntos
Work experience – 15 puntos
Awards – 5 puntos
Tax – 1 punto
Total: 58 puntos
Ang E-7-4 visa ay isang uri ng “employment visa” at dahil dito, kailangan na suportado ng employer ang aplikasyon. Kailangan ang ilang papeles na manggagaling sa kumpanya.
SIKAP AT TIYAGA
Sa pagtatrabaho ni Anthony sa Korea, nangibabaw ang kanyang pagpapakumbaba, sipag at tiyaga. May mga panahon na delayed o nahuhuli ang sweldo niya pero nagtiyaga siya at ipinakita niya sa kanyang amo ang pagmamahal sa trabaho. Sabi niya, mahirap man ang trabaho pero hindi kailangan na hirap lang ang isipin. Kailangan maging mapagkumbaba at magpasalamat sa pagkakataon na may trabaho.
Sa aking pananaw, ang pagpapahalaga ni Anthony sa kanyang trabaho ang tumulong sa kanya para magkaroon ng magandang relasyon sa kanyang amo. Dahil dito, siya ay pinagkakatiwalaan ng kanyang amo.
Panoorin ang panayam ni Gennie Kim kay Anthony:
Bagamat E-7 ang nakalagay sa ARC ni Anthony Matas, ang kanyang aplikasyon ay para sa E-7-4 visa.
Tanong po mam. Ano pong awards ang nakuha ni Sir Matas para magkaroon ng 5 points. Salamat po
Opo maam ano po awards..5 points nlng kulang ko maam
Mam paano BA pag wala pa voters I’d dhl noong march lang po ako nag parehistro o.k lang po BA kht stamp lang okaya certified action ng comelec