Mahalaga ang ating pasaporte dahil ito ay importanteng dokumento sa pagbiyahe at sa pagkakakilanlan o identification. Kailangan na may valid na pasaporte pag magbibiyahe o sa pananatili sa ibang bansa.
Ang una nating pasaporte ay kinukha sa Pilipinas. Pag hindi na valid ang pasaporte o isang taon na lang ang natitira, kailangan na siyang palitan.
Kailan dapat magpa-renew ng passport?
Pag mababa na sa isang taon ang passport, kailangan na magpalit. Umaabot ng 6 hangang 8 linggo ang proseso.
Bakit kailangan i-renew?
~ Kailangan na valid ng 6 na buwan ang passport sa pagpasok ng South Korea.
~ Kailangan na valid ang passport pag magpapa-extend ng visa sa Immigration Office ng Korea.
Paano magpa-renew ng passport at ano ang mga kailangang dokumento?
~ Una, kumuha ng appointment sa website ng Philippine Embassy in Seoul.
~ Kailangan na personal na pumunta sa Embassy sa araw ng appointment.
~ Dalhin ang mga sumusunod: Photocopy ng passport (data page), E-Passport Application Form, bayad na 80,520 won o 60 USD.
Para sa mga passport na mahigit nang isang taong expired, kailangan magbigay ng original na NSO/PSA Birth Certificate na authenticated ng DFA (red ribbon).
Para sa mga lumang passport na hindi nakalagay ang bayan kung saan isinilang, kailangan magbigay ng dokumento gaya ng birth certificate, marriage certificate o kahit ibang lumang passport na nakalagay kung saang bayan isinilang ang aplikante.
Pwede ba magpa-renew ng walang schedule? Pwede mula Lunes hangang Huwebes. Sa Linggo, depende sa dami ng pwedeng i-serve. (Based on Gennie Kim’s interview with Consul Ella Karina Mitra on October 25, 2017)
Pagre-report ng passport sa Immigration Office sa Korea
Kailangang i-report o ipagbigay alam ang bagong pasaporte sa Immigration Office sa Korea sa loob ng 14 na araw. Pag hindi ito nai-report, maaaring magmulat pagdating sa ekstensyon ng bisa. Maaaring umuwi ng Pilipinas at bumalik ng Korea ng hindi nagmumulta pero pag sa panahon na kailangan bumisita sa Immigration Office, malalaman kung nai-report ang bagong pasaporte o hindi.
Hindi bago ang patakaran na ito at nakapaskel sa Embahada ng Pilipinas ang impormasyon tungkol dito. Maaaring puntahan ng personal nag Immigration Office o maaari rin namang i-fax ang bagong pasaporte. Maaari ding gawin ito ONLINE mula sa website ng “Hi Korea”
Tandaan na dapat i-renew ang pasaporte kung wala nang isang taon ang validity nito.
Philippine passport photo by Jerrick Parrone
Maam Gennie tanong ko po pag mag apply po aq as Refugee sa Immigration di po kaya aq ma deport .Recently k lng po nabasa yung nk post sa profile nyo about sa Refugee o G1.pls.need k po assistant nyo.