If you frequent Facebook pages of the Filipino community here in Korea, the name “Neon” would be familiar. Rodney Queman is popularly known as “Neon” or “Chairman”. The 37-year old bachelor hails from San Jose, Antique. He has been working in Korea for a decade as one of the more than 25,000 Filipinos employed in Korea under the Employment Permit System. Let’s get to know him more and be inspired in this Q&A with Neon ~ an inspiring pinoy and EPS worker.
Q: Bakit ka nag-desisyon na pumunta ng Korea?
A: Kagaya ng ibang OFW din, isa sa dahilan kaya nag Korea ay para makakita ng malaking sahod man lang nang sa ganun ay matustusan ang pamilya ay makatulong sa kanila para iahon sa kahirapan at para na rin sa magandang kinabukasan.
Q: Ano ang unang impresyon mo sa Korea at mga Koreano?
A: Unang impresyon ko noon talaga sa Korea ay magulong bansa dahil nga sa may hidwaan sila ng North Korea noon, pero nang nakarating ako dito wayback 2006 ay isang tahimik pala at isang papaunlad na bansa sa Asya, tungkol naman sa mga Koreans, unang impresyon ko sa kanila ay mabait, mapagbigay at sobrang palabati.
Q: Ano ang pinakamahirap na una mong naranasan sa Korea at paano mo ito naresolbahan?
A: Ang pagsasalita ng Korean, ang pinakamahirap na bagay sa akin at kahit sinong kapwa ko migrante naman siguro ay alam nilang ito ang mahirap na bagay ang maiencounter. Pero kung gusto mo talaga matuto ng salita nila ay gagawa at gagawa ka talaga ng paraan para matutunan ang kanilang salita, kaya kahit sa Youtube, basa-basa sa libro ng mga basic Korean ay ginawa ko talaga para lamang matuto.
Q: Gaano ka-importante ang pag-aaral ng Koreano na lenguwahe?
A: Para sa akin, napakahalaga talaga ang matutunan ang kanilang salita, kasi kapag natutunan mo na ang Korean language, para bang kalahati ng kanilang kultura ay nayakap mo na. Mas mabilis ka makipag-usap sa mga kapwa mo katrabaho(Koreans) kapag maganda ang conversation ninyo ng salita nila.
Q: Dahil hindi permanente ang buhay EPS sa Korea, ano ang plano mo sa kinabukasan?
A: Yong makapundar lang ng negosyo ay sapat na, at kung may ibang opurtunidad pang darating, bukas pa rin naman ako sa mga ganung bagay. At syempre, magkaroon ng isang masayang pamilya.
Q: Ano ang mga positibo at negatibo sa pagtatrabaho sa Korea?
A: Isa sa mga positibong aspeto sa pagtatrabaho sa Korea ay masarap sa pakiramdam ang kumikita ka sa sarili mong pagod at sa malinis na paraan. Yon bang nakatulong ka sa pamilya mo at sa ibang tao ay isang fullfillment sa buhay, at yong alam mong kasundo mo ang katrabaho mo(Koreans & Pinoy).
Sa mga negatibong aspeto naman siguro masasabi ko yong may nadadaya o ginugulangan ng mga employer (Sajang) kagaya na lang sa sahod, sa pabahay, sa paglabag sa kontrata.
Q: Anong mga tips o advice ang pwede mong ibahagi sa ating mga kababayan?
A: Para sa mga magbabasa narito ang ilang tips o payo ko lang sa inyo:
1. Mahalin natin ang ating trabaho, ito ang pinagkukunan natin ng ating kabuhayan habang nasa abroad.
2. Pakikisama, isa sa mga ugali o magandang karakter na dadalhin at iaplay natin sa ating sarili habang nasa Korea.Kailangan marunong tayo makisama o makihalubilo o makisalamuha sa ating kapwa katrabaho, mapa-Pinoy man o Koreans o ibang lahi.
4. Pag-iipon, Dapat marunong tayo mag-impok ng ating pinagpaguran(pera). Mas maganda na napupunta sa tamang gastusin ang sahod. Huwag sundin ang mga luho at bisyo, pero huwag din natin tipirin ang ating sarili lalo na pagdating sa pagkain. magkaiba ang “I WANT THIS sa I NEED THIS”. Iwasan ang gastos dito, gastos doon. Spend money wisely and set aside savings for yourself. Tandaan natin na hindi lifetime sa abroad.
5. Pananampalataya, sa abroad, kahit gaano tayo ka-busy sa trabaho, huwag na huwag nating ilayo ang ating sarili sa Diyos. Siya ang sentro ng ating buhay, Siya lang ang ating masasandalan at malalapitan sa tuwing tayo ay nahihirapan dito sa ibang bansa.
6. Pasensya, Habaan natin ang lubid ng ating pasensya para makaiwas sa anumang gulo o away sa katrabaho o sa amo. Dayuhang manggagawa tayo sa Korea, kaya asahan na natin na mayroong diskriminasyon. Hanggat kayang kontrolin ang sarili gawin natin.
Just for fun!
Favorite food: Samgyupsal, Byeohaejanguk, at Samgyetang
Favorite Korean song: Bogosipda, Singer: Bigbang at Baek Jiyong
Favorite Korean movie: Train to Busan
Favorite Korean actor/actress: Lee Min-ho, Park Shin Hae
Favorite Korean destination or tourist area: Nami Island, jeju Island at Everland
Favorite thing to do in Korea: Adventure, Noraebang, Sightseeing
Thank you Chairman for taking the time to share your thoughts about Korea!
Wow! Salute to you kuya!!!
wow! congrats rod….keep it up! God bless you always!